Langhap sarap, Jollibee.
Libre ka naman ng Jollibee!
Not it is possible to for your to treat your friends and family with langhap sarap Jollibee. The tie up made by i-remit and Jollibee make it possible for our fellow OFW to buy and send Jollibee product to their love one back home.
MANILA - Bukod sa pinaghirapang kita sa abroad, puwede na ring magpadala ng mga pagkain ng isang sikat na food chain ang mga overseas Filipino worker (OFW) para sa kanilang mahal sa buhay na nasa Pilipinas.Naging posible ito dahil sa kasunduang nilagdaan ng I-Remit at Jollibee Foods Corp.Kahit nasa abroad ang OFW, maaari niyang ilibre o padalhan ng pagkaing produkto ng Jollibee ang kanyang pamilyang nasa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpunta sa tanggapan ng I-Remit sa bansa na kanyang kinaroroonan.Sa foreign office ng I-Remit pipili ng produkto ng Jolibee ang OFW na nais niyang ipadala sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Puwede na ring sagutin ng OFW at siya mismo ang pipili ng pagkain na nais niyang ihanda sa birthday party ng kanyang kapamilya.“The tie-up would break the barrier of distance by preserving family tradition," ayon kay Bansan C. Choa, chairman ng I-Remit Inc. “This project is not solely for great business proposition but it encourages preserving the values of family ties," idinagdag ng opisyal.Sa programa ng I-Remit at Jolibee na tinawag na “Salu-Salo Padala Treat Mula Sa iRemit,’ makasisiguro umano ang OFW na makararating sa kanyang pamilya sa Pilipinas ang nais niya ipadala sa kanyang pamilya.“Through this partnership, we can continue Jollibee's long tradition of promoting special bonding moments even for our hardworking Filipinos overseas," pahayag ni Ernesto Tanmantiong, presidente ng Jollibee.Sa kasalukuyan, ang I-Remit ay nasa 26 bansa at teritoryo, at may 4,000 payout stations na magagamit din sa pagpapadala ng remittance ng mga OFW.Kabilang sa mga bansa na may I-Remit center ay Australia, Hong Kong, Singapore, Austria, Taiwan, United Kingdom, at Canada.“By treating their loved ones in the Philippines with their favorite meals whether during special occasions or simple family gatherings, our OFWs can still contribute and be part of these family moments, even when they are miles away from home," ayon sa opisyal.Ang mga OFW ay maaaring pumili sa limang “Langhap Sarap" Family blowout packages na maaaring pagsaluhan ng limang tao na aabot ang presyo mula P800 hanggang P1,000.Ilan sa mga kombinasyon ng pagkain ay Spaghetti + yum with Cheese Treat; Chickenjoy + Yum with Cheese Treat; Chickenjoy Treat, Burgersteak Treat at; Chickenjoy + Spaghetti treat. - Ruby Anne Rubio, GMANews.TV
No comments:
Post a Comment