LUHA NA HINDI PARA KAY PRESIDENT CORY
Bakit pa nga ba ako iiyak sa pagkamatay na ito
ng dating Presidente Corazon Cojuanco Aquino?
AKo ba ay nanglalapastangan?Samantalang siya'y iginagalang?
Narito po ako at pakinggan. Sana\y maunawaan,malaman ninyo ang dahilan
Hindi ko iniaalay ang luha ko para sa kanya
Tanong ninyo ay:"Bakit nga ba?"
Hindi ho ba't cancer ay nais na din siyang pagpapahingahin?
Isa pa'y sa Diyos Ama , ang pamilya at mananampalataya, siya nay' tinagubilin
Hindi naman sa wala akong paggalang
Sa paglisan ng Presidenteng lumisan
Wala na akong mahihiling pa sa Pangulong ito
Sa pag-aalay niya sa bayan ng buong pagmamahal, serbisyo at talino
Kung tutuusin, sa aking pagtunghay
sa espesyal at katangi-tangi niyang buhay
kanyang kinatawan para sa Pinoy at Pinay
ang kagalingan at pag-una sa bayan, tunay siyang dalisay
Napag-alaman ko din naman ang patungkol sa kanyang
Pagiging asawa, ina, at lola namatatag at pambihira
Sa kanyang payak na pamumuhay at paglilingkod nang sinsero
Ang Tita ng Bayan na si Cory dapat ngang hangaan ng totoo
Pero bakit...bakit nga ba hindi ko inaalay ang luha
Sa isang taong mapagkumbaba at nagpakadakila?
Pagka't sa tingin ko'y kahit po si Ginang na itong namaalam
Mas nanaiisin na ang ating pagtangis at hindi sa kanya, kundi para sa bayan
Ang mga pumapatak mula sa aking mga mata
Ay dahil, matapos lang ng dalawang dekada
Mga isinakripisyo ni Ninoy at Cory Aquino
Pinababayaan ng gumapang at magpabigat muli sa Pilipino
Mga kababayan... kalahing minamahal ko
Ano ang ginagawa natin sa kanilang mga "Tra-po"?
Naiboboto pa kahit sila'y kapighatian kay Ginang Aquino
Hahayaan na lang ba silang pumunas at dumungis sa karangalan ng lahing Pilipino?
Si madame Cory nanalangin at kumilos
Na ang "People Power" at laging natalos
Na upang ang baway simpleng persona na tulad niya
Ay magin malakas, kpakipakinabang sa tahanan, lipunan, kahit pa sa politika
Nakakalungkot at masakit sa damdamin
na makita na si Tita Cory ay alalalahanin
Nito lamang sa kanyang paglisan sa lupa
At makalimutan nag lahat kung sino at ano siya, paglipas ng isang taon o dalawa
Sa iyo ang luha ko Inang Bayan
Alam ko,kung buhay man ang ating Madame
Kanyang buong buong maiintindihan
Kung ang bayan at hindi ang pagpanaw niya ang aking iniiyakan
O Pilipinas kong minamahal, isang katanungan lang
Ilan pang pamilya at tahanan na tulad ng kay cory ang kailangang
Magsakripisyo ng katahimikan at payak na pagpapamilya
Para lamang maituwid ang mga liko at mahirapang pang makibaka?
Hindi nga masama na tayo'y manindigan
Na kahit pa personal na layo ay maiwan
Ngunit nakalulungkot na nakauubos luha
Kung ang lusak ay dahil sa ang makabayang isip at kilos at tinatuwa
Pasenya na po kng ang luha ko
Ay hindi para kay Presidente Aquino
Bayang Pilipinas, ialay mo na din ang iyong luha
Hindi dahil tayo'y iniwan ni Cory kungdi dahil ang esensya niya'y iniiwan na
Lumuha din ang babaeng Pangulong kaunaunahan
Sa kala
gayan ng ating Inang Bayan
Tama na ang Pagluha para kay Cory
Tumangis ka para sa ikinalungkot ng dati nating Presidente.
By Symphony John C. Castillo
Submitted on 2009/08/03 at 5:35PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment