MANILA – Matapos ang ilang araw na espekulasyon tungkol sa magiging standard bearer ng Liberal Party, inihayag ni Senador Manuel “Mar" Roxas II nitong Martes ang kanyang pag-atras sa panguluhang halalan upang suportahan ang kandidatura ni Senador Benigno “Noynoy" Aquino III.Sa ipinatawag nitong press conference sa Club Filipino, inihayag ni Roxas nagkakaisa sila ni Aquino na magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa bansa. Dahil dito, kahit mahirap umano sa kanyang sarili, susuportahan na lamang niya ang presidential bid ng nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Cory Aquino at dating Sen Benigno “Ninoy" Aquino Jr. "I want to make a difference...I am the president of the Liberal party. It is within my power to preside over a potentially divisive process or to make the party a bridge for the forces of change," ayon kay Roxas."Today I'm announcing my support for the candidacy of Noynoy Aquino for president in 2010," tuluyan niyang pagdeklara. “Good will win over evil." Ipinaliwanag ni Roxas na nagdesisyon na siyang magsalita upang maalis na ang pagdududa sa kaisipan ng publiko kung sino ang isasabak ng partido sa 2010 presidential elections. “Noynoy Aquino and I have the same outrage over the mess we are all in, the same way we share the solution – clean, honest and selfless public service," ayon kay Roxas. “Marami at matindi ang problema ng bansa. Kailangan natin ayusin. Matindi ang kalaban. We need a determined force for good far stronger than the festering evil around us," idinagdag niya.
Tuesday, September 1, 2009
Noynoy pambato ng LP: Roxas ‘di na tatakbong pangulo sa 2010 polls
Sinabi pa ni Roxas na nagdesisyon siyang umatras sa kanyang presidential bid upang mapagkaisa ang partido na unti-unting nahahati ng intrigang bumabalot sa panawagan na tumakbo si Aquino sa panguluhan. “It is within my power to preside over a potentially divisive process or to make the party a bridge for the forces of change. I choose to lead unity, not division. Bilang pinuno ng aking partido, magdedesisyon ako," anang mambabatas. “Over the weekend, Noynoy and I had a many long conversation. Masinsinang usapan. We agreed; let us forget about ourselves for a moment. This is not about us; this is about our people and our country. This is about our common dreams, the dreams of our parents," ayon kay Roxas. Like brothersKinumpirma naman ni Quezon Rep. Lorenzo “Erin" Tanada, opisyal ng LP, nagkaroon ng tatlong pagpupulong sina Roxas at Aquino sa mga nakalipas na araw, at nag-usap bilang magkapatid. “Nagkaroon muna sila ng tatlong meetings. Pero, hindi ako kasali sa meetings kaya hindi ko alam ang kanilang pinag-usapan. They are reacting to each other like brothers," kuwento ni Tanada. Personal na desisyon umano ni Roxas na umatras at suportahan kandidatura ni Aquino. Ngunit hihintayin pa ng LP ang magiging tugon ni Aquino sa pasya ni Roxas.“We have no decision yet for Noynoy to be our standard bearer, we have to wait for the decision of Sen. Aquino (on the announcement of Roxas)," paliwanag ni Tanada. Idinagdag naman ni dating Batanes Rep. Butch Abad, opisyal din ng LP, magpapatawag si Aquino ng presscon sa Miyerkules upang ihayag ang kanyang magiging tugon sa habang ni Roxas. Tiniyak naman ni Sen. Rodolfo Biazon na susuportahan ng LP ang magiging resulta ng pag-uusap nina Roxas at Aquino.Kondisyon ni NoynoyUna rito, sinabi ni Aquino na tatlong bagay ang maaaring maging daan para magdesisyon siya upang tumakbong presidente sa 2010 elections.Una rito ay katiyakan na magkakaroon ng pagbabago sa lipunan at bansa; nakahanda ang gagamiting makinarya para sa kanyang kandidatura; at basbas ng kanyang mga kapatid na babae.Hindi pa tiyak kung si Roxas ang awtomatikong magiging bise presidente ni Roxas, ngunit naniniwala si Abad, campaign manager ng LP, malamang na ang Aquino-Roxas ang magiging tambalan sa 2010 elections ng partido.Sinikap ng GMANews.TV nitong Martes ng gabi na makausap sa telepono si Aquino upang kunan ng reaksyon sa naging desisyon ni Roxas.Ayon sa isang security aide ni Aquino na nagpakilalang si “Bong" na nakausap ng GMANews.TV sa telepono, naghahapunan ang senador kasama ang kanyang mga kapatid na sina Maria Elena "Ballsy" Aquino-Cruz at Victoria Eliza "Viel" Aquino-Dee.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment