Saturday, August 8, 2009

Pinoy Jeepney




Mama Bayad ho!


Para dyan lang sa tabi!


Makikisuyo ng sukli!


Pakiusod lang po waluhan po tayo!


Yung hindi pa nagbabayad dyan pakisuyo na lang!


Mama ung sukli po ng bente!


Magkano ho hanggang cubao?


Yan ang madalas na naririnig sa loob ng dyip habang bumabyahe. Matagal
tagal mo na bang hindi naririnig ang mga linya na ito? nakakamiss diba?
Lalo na ang napakaraming iba't ibang kwento at karanasan na naranasan
natin sa loob ng dyip. meron nakakadismaya, meron nakakainis, meron
nakakatuwa, meron nakakatawa at meron din naman nakakatakot. Ano pa man
ang mga pangyayaring ito. Ang loob ng jeepney ang isang lugar kung saan
nabuo ang napakaraming hindi makakalimutang pangyayari sa buhay ng
tunay na Pinoy!

No comments: