Monday, August 3, 2009

Safe ba sa Dubai? Safe ba sa UAE?

Sabi nila controlled ng media sa UAE, hindi pinapakita ang mga pangit na nangyayari dito. Subalit bakit sa mga nakaraang araw, halos araw araw ay puro patayan ang laman ng dyaryo? Maitatanong mo tuloy sa sarili mo kung safe pa ba ang dubai para mga Pinoy na nagtratrabaho dito? Ang mga krimen na patayan isama mo pa ang malulubhang aksidente sa ng mga sasakyan sa lansangan at talaga naman nakapagdudulot ng kaba sa mga taong nakatira ang nag tratrabaho sa Dubai. Ang sinasabi ng bansang UAE, safe na place and dubai, mababa ang crime rate pero ito ba ay katotohanan hanggang sa kasalukuyan? O isa lamang kathang isip na pilit ipinapasok sa utak ng mga tao noon, ngayon at sa mga dadating pang araw.

No comments: