Saturday, August 8, 2009

Poem for President Cory Aquino - Para Kay Cory Aquino

Para Kay Cory Aquino
Ako ay may iniidolo
Ang pangal niya'y Cory Aquino
Una siyang nating babaeng pangulo
sa Pilipinas kung saan ako'y tumubo
Dalawanpu't dalawang taon na ang nakalipas
pamahalaang diktaturyal kanyang pinalayas
and laging kasuotang dilaw
and naging simbolo ng demokrasyang kanyang ipinaibabaw
sa kasalukuyan
siya ang nangunguna sa paghahanap ng katotohanan
iyan ang dahilan
kung bakit ko sya hinahangaan
sa akingmga kaklase siya's aing naipagmalaki
naging dahilan upang aking pag-aaral ay lalong ipursige
ngunit isang araw ako'y nagulat
dahil siya pala'y may colon cancer na kailangan niyang labanan
ako'y napaluha at napatanong
bakit ngayon pa?
ngayon pa na sa muling pagsusulong ng demokrasya
ay siya ang nangunguna
kaya sa Panginoong Maykapal akong nanalangin
para sa kanyang paggaling
upang siya naman ang magpagaling
sa mga kanser sa ating lipunan na ating dinadaing

By Vida Andreana Palacio IV-5 Chikiting MHPNHS
Submitted on 2009/07/20 at 3:45PM

No comments: